Local Absentee Voting para sa media at iba pang ahensiya, sinimulan na

Local Absentee Voting para sa media at iba pang ahensiya, sinimulan na

NAGSIMULA na ngayong araw, Abril 28, ang Local Absentee Voting (LAV) para sa mga miyembro ng media, pulisya, militar, at iba pang kwalipikadong empleyado ng gobyerno na naka-duty sa araw ng halalan.

Tatagal ito hanggang Abril 30, ayon sa Commission on Elections (COMELEC). Layunin ng LAV na mabigyan ng pagkakataong makaboto ang mga hindi makakadalo sa regular na halalan sa Mayo 12 dahil sa kanilang trabaho.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter