TARGET ng local animal health firm na AgriSpecialist Inc. at Board of Investments (BOI) na mai-promote nang maayos ang produktong Bio-N na nakatutulong upang maparami ang produksiyon ng agri products sa bansa ng 11 porsiyento.
Ang Bio-N, isang biofertilizer na gawa ng National Institute of Molecular Biology and Biotechnology ng University of the Philippines-Los Baños ay nakikita ring mas eco-friendly.
Nakatutulong din ito upang makatipid ang mga magsasaka dahil ang anim na 200-gram sachets ng Bio-N ay katumbas na ng dalawang 50-kilogram bags ng urea para sa bawat ektarya ng tanim na palay.
Ayon sa BOI, nasa P10,000 ang matitipid ng mga magsasaka gamit ang nabanggit na produkto.