Locally manufactured COVID-19 vaccines, dapat suportahan ng gobyerno— Gatchalian

Locally manufactured COVID-19 vaccines, dapat suportahan ng gobyerno— Gatchalian

HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na pag-aralan ang posibilidad na magkaroon ang bansa ng locally manufactured COVID-19 vaccines.

Ito ay habang mainit na pinagdedebatihan ng mga lider mula sa iba’t-ibang bansa ang pagsuspinde ng intellectual property rights sa paggawa ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Gatchalian, dapat pag isipan ng mga pangunahing ahensya tulad ng Department of Science and Technology at Department of Trade and Industry ang pagbibigay ng insentibo sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan na gustong magtayo ng planta dito sa bansa at gumawa ng locally manufactured vaccines.

Sa kasalukuyan, mayroon na aniyang anim na lokal na kumpanyang nagpahayag ng interes sa paggawa ng bakuna at kasalukuyan ng nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan.

Kasunod nito sinabi ni Gatchalian, dapat ding masiguro  ng gobyerno na magiging mabilis  ang pagsasaayos ng mga kailangang dokumento tulad ng authorization o product registration sa Food and Drug Administration (FDA).

SMNI NEWS