INIHAYAG ng Business Network International (BNI) na habang tumatagal ay lalong lumalakas ang marketing system ng kanilang kompanya sa buong mundo.
Sa isang press conference, sinabi ni Philippines National Director Dexter Ortega, sa pamamagitan ng BNI ay nagagawa nilang palakasin ang business collaboration, business partnership at may kakayahan na makakuha ng distributors sa iba’t ibang dako ng bansa sa pamamagitan ng BNI system.
Ibig sabihin, kaya nilang dalhin ang local companies mula sa Pilipinas patungo sa pandaigdigang merkado.
Pagmamalaki pa ni Ortega, dahil ang BNI ay nasa 38 taon nang nasa business at professional networking organization at may mahigit 300-libong members mula sa 77 bansa na kumokonekta sa isa-isa sa buong mundo.
Upang lalo pang palakasin ang marketing system, kamakailan nitong Hulyo 7-8, 2023, nagsagawa ng National Conference ang BNI na may temang “Beyond Borders, Beyond Imagination”, na naganap sa isang prestihisyosong hotel sa lungsod ng Pasay.
Ang dalawang araw na kaganapan ay nagbigay sa mga dumalo ng isang natatanging platform upang kumonekta sa mga eksperto sa industriya, makakuha ng mga kaalaman mula sa international speakers, at palawakin ng higit pa ang kanilang network at iba.
Adbokasiya ng BNI Philippines ay palakasin ang negosyo sa Pilipinas.
Naitatag ang BNI sa Pilipinas noong 2014 na may mahigit 1,400 miyembro kung saan nakapagbigay ng 5B close business sa huling 12 buwan na maituturing na isang malaking nagawa ng kanilang kompanya sa komunidad.
Ang BNI ay ang nagbibigay ng structured referral networking system para tumulong na bumuo ng mga referral sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga koneksiyon sa negosyo, dahil ang bawat solong kompanya at negosyante sa labas ay nangangailangan ng mas maraming benta.