Lolo sa Batac City, Ilocos Norte arestado sa pagbebenta ng shabu

Lolo sa Batac City, Ilocos Norte arestado sa pagbebenta ng shabu

ARESTADO ang isang senior citizen sa ilegal na pagbebenta ng droga sa lungsod ng Batac, Ilocos Norte kamakailan.

Ayon sa Batac City Police Station at PDEA, naaresto ang suspek matapos pagbentahan ang isang PDEA agent sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. Billoca ng naturang lungsod.

Lumalabas din sa datos ng awtoridad na taong 2013 pa sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga ang suspek na si Alyas Amos na haharap ngayon sa patong-patong na kaso.

Narekober ng kapulisan sa suspek ang buy-bust money na ginamit sa operasyon, 12 sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos labing apat na libong piso, caliber 45, at pocket knife.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble