IPINAPANUKALA ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan na magkaroon ng long-term care program para sa mga nakatatanda.
Sa kaniyang House Bill No. 7980, saklaw rito ang mga programa na magiging susi upang mabawasan ang kahirapan at kahinaan ng seniors gaya ng proteksiyon mula sa mga pang-aabuso, pananamantala, kapabayaan at diskriminasyon.
Batay sa census noong 2020, nasa 9.22 million ang bilang ng mga matatandang may edad 60 taong gulang.
Noong 2023, nasa 4.1 million naman ang indigent na seniors ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Hinggil sa pondo para sa mga indigent senior citizens, nasa P49.81-B na ang inilaan para ngayong taon kumpara sa P25.3-B noong 2023.