INILABAS na ng Department of Justice (DOJ) ang Immigration Lookout Bulletin Order laban kina suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at dating deputy security officer Ricardo Zulueta.
Ang lookout bulletin ay magsisilbing monitoring para sa dalawa at hindi ito sapat na rason upang hindi pahintulutan ang mga ito na makaalis sa bansa.
Ayon sa DOJ, may posibilidad na umalis sa Pilipinas ang dalawa lalo na’t malaki ang kaso na kinakaharap nito kaya inilabas ang lookout bulletin.
Ito’y para malaman o mamonitor ang itineraries ng kanilang magiging flight travel o anumang kaugnay na impormasyon.
December 9 naman nang maging epektibo ang lookout bulletin order ayon kay Immigration Dana Sandoval.
Si Bantag at Zulueta ang iilan sa sinampahan ng kaso dahil sa pagkamatay ng brodkaster na si Percy Lapid.