ITINURN-over ni Brgy. Lamion Chairperson Redzfar Sakkam ang dalawang loose firearms sa tropa ng gobyerno sa Tawi-Tawi.
Kabilang dito ang isang caliber 38 revolver at isang caliber 9MM Uzi.
Pansamantalang iimbak ang mga baril sa logistics department ng Marine Battalion Landing Team 12 para sa safekeeping at proper disposition.
Pinuri ni Major General Steve Crespillo, commander ng AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) ang tropa ng Joint Task Force Tawi-Tawi sa kanilang matagumpay na pagpatutupad ng kampanya laban sa paglaganap ng loose firearms.
Ayon kay Brigadier General Romeo Racadio, commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, nakipagdayalogo ang militar sa mga opisyal ng barangay at residente ng Brgy. Lamion para hikayatin na isuko ang mga hindi rehistradong baril.