NAGDEKLARA ng curfew ang Mayor ng Los Angeles na si Karen Bass sa downtown area ng lungsod.
Ito ay matapos ang ilang araw na sagupaan sa pagitan ng mga raliyista at otoridad at serye ng panloloob at paninira ng mga ari-arian sa gitna ng mga kilos-protesta laban sa pinaigting na kampanya kontra ilegal na imigrasyon.
Simula alas-otso ng gabi hanggang alas-sais ng umaga—oras sa Los Angeles, ang ipinatupad na curfew na posibleng tumagal ng ilang araw.
Sakop ng curfew ang mga lugar na nasa pagitan ng 5, 10, at 110 Freeways hanggang sa pinagtagpo ng 110 at 5 Freeways.
Ayon sa Los Angeles Police Department, exempted sa curfew ang mga residente ng apektadong lugar, mga walang tirahan, miyembro ng media na may sapat na dokumento, at mga tauhan ng emergency at public safety.
Ngunit mayroon paring mga lumabag sa curfew hours para magprotesta.
Nagkaroon din ng matinding abala sa trapiko matapos i-occupy ng mga raliyista ang 101 Freeway bago ilabas ang curfew order.
Matatandaan na sumiklab ang tensyon matapos ang malawakang immigration raids noong Biyernes at Sabado na isinagawa ng U.S. Immigration and Customs Enforcement agents sa iba’t ibang bahagi ng Los Angeles.
Ilang mga dayuhan umano ang inaresto, na naging mitsa ng marahas na malawakang kilos-protesta komprontasyon sa pagitan ng mga rallyista at otoridad.
Nagpalitan din ng maaanghang na mga salita sina Trump at Newsom patungkol sa nasabing isyu.
Tinawag ni Trump ang Californian Governor na ‘incompetent’, at nangako na ililiberate o palalayain niya ang Los Angeles.
Kinundena naman ni Newsom ang utos ng Trump administration na mag-deploy ng libu-libong National Guard troops at daan-daang US Marines, at tinawag ang mga hakbang ng presidente ukol dito na pag-abuso sa kapangyarihan.
“Well the biggest change from that statement is we have an incompetent governor So I talked about governors but I didn’t talk about he’s an incompetent governor Look at the job he’s doing in California He’s destroying one of our great states And if I didn’t get involved if we didn’t bring the guard in and we would bring more in if we needed it because we have to make sure there’s going to be law and order uh you had uh a disaster happening and they now admit it was a disaster,” ayon kay Pres. Donald trump
‘’It but I’ll say it loudly and clearly they better do something before it’s too late very simply we will liberate Los Angeles and make it free clean and safe again it’s happening very quickly,’’ saad ni Pres. Donald trump.
‘’Donald Trump without consulting California law enforcement leaders commandeered 2,000 of our state’s National Guard members to deploy on our streets illegally and for no reason This brazen abuse of power by a sitting president inflamed a combustible situation putting our people our officers and even our National Guard at risk That’s when the downward spiral Began,’’ ani Gavin Newsom, Governor of California.
Samantala, naghain ng emergency motion sa korte sina Newsom at Attorney General Rob Bonta upang pigilan ang pagpapadala ni Trump ng National Guard at Marines sa Los Angeles.
Ngunit ibinasura ng isang federal judge ang naturang kahilingan at binigyan pa ng karagdagang oras ang administrasyong Trump upang tumugon.
Nakatakdang dinggin ang kaso sa darating na Huwebes– o araw ng biyernes sa Pilipinas.