Low positivity rates, naitala sa Metro Manila at ibang lugar sa Luzon—OCTA Research

Low positivity rates, naitala sa Metro Manila at ibang lugar sa Luzon—OCTA Research

BUMABA pa nitong nakalipas na linggo ang 7-day positivity rate sa Metro Manila.

Ayon sa datos na ibinahagi ni Dr. Guido David, mula 4% noong Hulyo 15 ay nasa 3.3% na lang ito ngayong Hulyo 22.

Maliban sa Metro Manila, naitala rin ang low positivity rates sa Batangas, Bulacan, Cavite, at Quezon.

Nasa single digit din ang positivity rates sa Laguna, Oriental Mindoro, Palawan, Pampanga, Pangasinan, Rizal, at Zambales.

Habang nasa moderate level ang Bataan, Benguet, Cagayan, Camarines Sur, Isabela, at Tarlac.

Naitala naman ang high risk positivity rate sa Ilocos Norte.

Dr. David, umaasa na mananatili ang pagsusuot ng face mask ng publiko sa kabila ng pagbawi ng public health emergency

Samantala, kaugnay naman sa naging desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na bawiin ang public health emergency sa pamamagitan ng Proclamation No. 297, umaasa si Dr. David na mananatili pa rin ang pagsusuot ng publiko ng face mask.

Sa ilalim ng Proclamation No. 297, ang lahat ng protocols laban sa COVID-19 pandemic ay binabawi na habang mananatili ang emergency use authorization na inilabas ng Food and Drug Administration (FDA) para sa COVID-19 vaccine hanggang Hulyo 21, 2024.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble