MAG-aalok ang LRT-2 ng ‘libreng sakay’ para sa lahat ng mga babaeng pasahero ngayong Sabado, Marso 8, 2025. Bilang pakikiisa nila ito sa pagdiriwang ng Women’s Month.
Magsisimula ang libreng sakay 7:00 hanggang 9 AM at 5 PM hanggang 7 PM.
Libreng gupit naman ang iaalok sa tatlumpung babaeng pasahero sa Marso 12 sa Antipolo station; Marso 19 sa Cubao station; at Marso 26 sa Recto station.
Subalit bago ito ay magbibigay muna ng mga rosas ang LRT-2 management sa lahat ng mga babaeng pasahero sa Antipolo station ngayong Marso 5.