LTFRB, iimbestigahan ang umano’y paniningil ng pamasahe sa EDSA Busway

LTFRB, iimbestigahan ang umano’y paniningil ng pamasahe sa EDSA Busway

SINISIGURADO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na matukoy at mapanagot ang sinumang nasa likod ng umano’y paghihingi ng pamasahe sa EDSA Busway.

Kung sisilipin, ang EDSA Busway ay libre at ipinapatupad ang 24/7 na libreng sakay simula December 1-31.

Ayon sa mga sumbong ng mga commuter, pagpatak ng alas onse ng gabi ay pinapabayad na sila.

Hinihikayat naman ng LTFRB na sakaling may ganitong ulat pang nakikita, na-witness o nalalaman ang mga commuter ay agaran itong ipaalam sa traffic enforcers ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) na nakapwesto sa EDSA Busway Stations.

Sakaling may mapatunayan na gumagawa ay pagmumultahin sila ng limang libong piso o kaya’y tanggalin na sa libreng sakay.

Kasabay sa pagtugon ng isyung ito ay titingnan din ng LTFRB ang isa pang ulat kung saan kulang umano ang mga bus na bumabagtas para sa EDSA Carousel.

Follow SMNI NEWS in Twitter