LTFRB, pag-aaralan ang pagpapatupad ng deadline sa pagkuha ng fare matrix

 LTFRB, pag-aaralan ang pagpapatupad ng deadline sa pagkuha ng fare matrix

INIHAYAG ni Engr. Riza Paches, board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pag-aaralan nila ang pagpapatupad ng deadline sa pagkuha ng fare matrix o fare guide ng mga operator.

Ayon kay Paches, kukunti lang ang dumudulog sa kanilang tanggapan para kumuha ng fare matrix.

Sa kasalukuyan, nasa 19, 450 na fare matrix ang na-isyu ng LTFRB mula sa 30, 183 PUV units na inapply.

Dahil dito, inaasahang maghihigpit ang LTFRB upang tumalima ang mga operator sa pagkuha nito.

Aabot sa P610 ang babayaran ng isang operator sa bawat franchise na kukuhanan nito ng fare matrix.

 

Follow SMNI News on Twitter