LTFRB, sinisiguro na walang dagdag-singil sa pamasahe kasunod ng tigil-pasada

LTFRB, sinisiguro na walang dagdag-singil sa pamasahe kasunod ng tigil-pasada

TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi magkakaroon ng dagdag na singil sa mga pasaherong maaapektuhan ng isang linggong tigil-pasada simula ngayong Lunes.

Ayon sa LTFRB, may mga nakalaang rescue buses sa mga ruta ng public utility jeepney (PUJ) at UV Express na may kakulangan sa pampasaherong sasakyan.

Ang pamasahe ng mga pasaherong sasakay sa mga ordinaryong rescue bus ay katulad lamang ng ibinabayad sa mga tradisyunal na jeep.

Habang katulad naman sa modern jeep ang singil sa mga pasaherong sasakay sa rescue bus na mayroong aircon.

Nakahanda naman ang karagdagang bus na nakaabang at mag-aalok ng libreng sakay sakaling kailanganin pa ng transportasyon.

Tugon ito upang matiyak ang kasapatan sa pangangailangan ng mga pasahero ng masasakyan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter