Lucas ng WayV at NCT, aalis na sa grupo—SM Entertainment

Lucas ng WayV at NCT, aalis na sa grupo—SM Entertainment

PORMAL nang inanunsiyo ng SM Entertainment na aalis na ang K-pop idol na si Lucas bilang miyembro ng boy group na NCT at WayV.

Sa social media posts ng SM, maayos anila itong napagkasunduan ng namamahala at mismo ng artist.

Bagama’t hindi nilinaw ng SM, sinabi nila na magpapatuloy pa rin si Lucas sa kaniyang indibidwal na aktibidad sa hinaharap.

Umaasa rin ang namamahala na patuloy na suportahan ng fans ang nabanggit na artist.

Taong 2021 nang masuspinde mula sa lahat ng group activities si Lucas.

Ito’y dahil sa alegasyon ng ilan sa umano’y kaniyang naging romantic partners na inaabuso sila ng K-pop idol.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter