NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang veteran host and entertainer na si Luis Manzano.
Sa kaniyang Instagram account, ipinakita ni Luis ang dalawang larawan ng kaniyang test results.
Samantala, binalaan naman ni Luis ang kaniyang mga kaibigan at followers sa social media na mag-ingat dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa ngayon, nakahiwalay muna sa kaniyang asawang si Jessy Mendiola at anak na si Rosie si Luis habang nagpapagaling.