IDINEKLARA ni Manila City Mayor Honey Lacuna ang pagsuspinde sa klase ng lahat ng lebel ng pampubliko at pribadong paaralan kabilang ang face-to-face at online bukas ng Lunes, Setyembre 25, 2022 dahil sa Super Typhoon Karding.
Manila Mayor Honey Lacuna declares classes in ALL LEVELS, public and private, face to face and online, are hereby suspended in the City of Manila, tomorrow, September 26, 2022 due to #KardingPH.#AlertoManileno#WalangPasok pic.twitter.com/Mgm7YceM3O
— Manila Public Information Office (@ManilaPIO) September 25, 2022
Suspindido rin ang lahat ng pasok sa Manila City Hall maliban sa mga departamento at opisina na may kaugnayan sa disaster and emergency response.
Diskarte na rin sa mga employer sa pribadong kompanya ang suspensyon ng kanilang trabaho.
Samantala, naka-red alert na ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at iba pang departamento ng Manila City Government ngayong araw.
Patuloy na isinasagawa naman ang declogging operations upang maibsan ang pagbaha sa lungsod habang patuloy na ring nililikas ang mga residente na malapit sa dalampasigan.
Inihanda na rin ng lungsod ang iba pang evacuation center at maging ang health centers ay bukas din.
Subaybayan ang patuloy na pag-update ng balita kaugnay sa Super Typhoon Karding sa website na ito.