Luzon at Visayas grid, muling isinailalim sa Red at Yellow Alert

Luzon at Visayas grid, muling isinailalim sa Red at Yellow Alert

ISINAILALIM muli nitong Huwebes sa Red at Yellow Alert ang Luzon at Visayas grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ipinairal ang Red Alert sa Luzon grid mula alas-sais hanggang alas-diyes ng gabi.

Habang ang Yellow Alert ay mula alas-dyes ng gabi hanggang alas-dose ng hatinggabi.

Ang pag-iral naman ng Red at Yellow Alert sa Luzon grid ay bunsod ng pagtaas ng demand at forced outage ng Kalayaan 3 at Sual 1 Power Plant at deration ng GNPD 1 at Sual 2.

Samantala sa Visayas grid, nagtagal ang Red Alert hanggang alas-nuwebe ng gabi.

Habang ang Yellow Alert ay muling pinairal ng alas-nuwebe hanggang alas-onse kagabi.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble