Luzon at Visayas grid, normal na ang supply ng kuryente –NGCP

Luzon at Visayas grid, normal na ang supply ng kuryente –NGCP

NORMAL na ang supply ng kuryente ngayong araw, Disyembre 7, 2022 sa Luzon at Visayas grid.

Ito ang inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) matapos itaas sa yellow alert ang Luzon at Visayas grids nitong mga nagdaang araw bunsod ng forced outage at deration ng ilang planta.

Ayon sa NGCP, alas 7:15 ng umaga ay na-synchronized na ang Sta. Rita module 20 at idineklarang nasa full capacity bandang alas 8:25 ng umaga.

Sinabi ng NGCP na makakapagbigay rin ito ng karagdagang 256MW sa Luzon grid at mayroon din ang Luzon ng sobrang kapasidad na maaring ipadala sa Visayas na lalong magpapabuti sa supply ng kuryente.

 

Follow SMNI News on Twitter