Mabagal na release ng health emergency allowances, pinapatugunan na ng DBM

Mabagal na release ng health emergency allowances, pinapatugunan na ng DBM

IPINANAWAGAN na ng Department of Budget and Management (DBM) na tukuyin na ng Department of Health (DOH) ang mga rason kung bakit mabagal ang release ng health emergency allowances.

Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, mainam na magkaroon ng mapping ang DOH para dito upang mas mabilis matukoy kung anong mga ospital pa ang hindi nakapamahagi ng health emergency allowance.

Aminado ang DBM na mahirap ang pag-validate ng mga ospital at mga pangalan na mabibigyan.

Ngayong taon, nasa P19.9-B ang inilaan para sa health emergency allowances mula sa 2024 National Budget.

Ang health emergency allowance ay partikular na ibinibigay sa mga health worker na nagbigay-serbisyo noong panahon ng COVID-19 pandemic.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble