NAGPAABOT ng pagbati ang Office of the Press Secretary (OPS) sa ika-65 kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ngayong araw, Setyembre 13.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, hangad nito ang mabuting kalusugan kay PBBM upang patuloy nitong magampanan ang tungkulin sa bansa at sa milyun-milyong mga Pilipino.
Dagdag pa ni Cruz-Angeles, makakaasa si Pangulong Marcos sa OPS na kasama ito sa mithiin ng Punong Ehekutibo na mapaganda ang pamumuhay ng bawat mamamayan at maisaayos pa ang kalagayan ng bansa.
Tiniyak din ng OPS na lagi itong nasa likod ng Pangulo para tapusin ang nasimulan sa susunod na anim na taon pang panunungkulan ni PBBM bilang ama ng bansang Pilipinas.