Macau, papahintulutan na ang COVID home isolation simula sa Miyerkules

Macau, papahintulutan na ang COVID home isolation simula sa Miyerkules

PAPAHINTULUTAN na ng Macau ang home isolation simula sa Disyembre 14.

Ito ang paraan ng kanilang pamahalaan tungo sa pagluluwag ng COVID protocols.

Sa ngayon ay niluluwagan na rin ng Macau ang quarantine rules nito para sa overseas arrivals, hininto na ang routine testing para sa mga bisita mula China at hindi na ito nagpapatupad ng lockdown sa isang buong building kung may makumpirmang COVID cases.

Matatandaang bilang Special Administrative Region ng China, sinusunod nito ang Zero Covid Policy ng Mainland.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter