MAGLALARO para sa Kurobe Aqua Fairies ang middle blocker ng Choco Mucho Flying Titans na si Maddie Madayag.
Inaasahang magsisimula si Maddie sa naturang koponan ngayong Oktubre 13, 2024 para sa magiging game ng Kurobe at Saga Hisamitsu Springs sa Japan SV.League 2024-2025 season.
Dahil dito ay hindi makakasali si Maddie sa All-Filipino Conference ng PVL ngayong Nobyembre.
Maliban sa nabanggit na middle blocker ay maglalaro din si Jia de Guzman para sa Denso Airybees at Jaja Santiago para sa Osaka Marvelous.