MASUWERTE ang American singer-songwriter na si Madonna na aniya ay buhay siya at ipinagpasalamat ang progress ng kalusugan.
Sa kabila ng nararanasang seryosong bacterial infection noong Hunyo na naging dahilan upang manatili ito sa intensive care unit (ICU) ng ilang araw.
Inanunsiyo na ng singer noong Hulyo 10 na kanselado ang lahat na schedule ng kaniyang North American Tour para ganap na maka-recover.
Sa pinaka-latest update, sa Oktubre na isasagawa ang North American at European Tour ng singer.