NAG-bonding sa Queenstown, New Zealand ang mag-amang Primo at Drew Arellano.
Ngunit kakaiba ang kanilang bonding dahil sa pamamagitan ito ng pagsali ng isang marathon doon!
Sa isang social media post, sinabi ni Drew na hindi niya na layunin sa event ang magkaroon ng panibagong ‘personal best’ dahil mas nangingibabaw pa ang kaniyang ‘best marathon experience’ sa Queenstown.
Kasama ng mag-amang Primo at Drew ay ang kapatid ng TV host at iba pang kaibigan.