Magandang oportunidad ang courtesy resignation para gawing malinis ang ahensya –PNP chief

Magandang oportunidad ang courtesy resignation para gawing malinis ang ahensya –PNP chief

IGINIIT ni Philippine National Police (PNP) chief police General Rodolfo Azurin Jr., na magandang oportunidad para sa mga nasa matataas na posisyon ng PNP ang courtesy resignation deal sa kanila ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Azurin, magandang simula aniya ito sa karera ng mga kapulisan upang mapatunayang malinis sila sa anumang iligal na gawain. Rodolfo Azurin Jr.

Payo ngayon ng heneral sa kapwa nitong pulis na huwag magdamdam at sumama ang loob dahil paraan lamang ito upang mabilis na malinis ang kanilang hanay sa anumang uri ng anomalya.

Sa katunayan, sa isang panayam ng SMNI kay House Committee on Public Order and Safety Dan Fernandez, suportado nito ang hakbang ng DILG para sa mas mabilis na pagtukoy kung sino ang nasa likod at mga sangkot sa iligal drug trade sa loob mismo ng PNP. resignation

Follow SMNI NEWS in Twitter