Magkasunod na alegasyon nina Pacquaio at Trillanes vs Duterte admin kinuwestyon ni Pastor Apollo

Magkasunod na alegasyon nina Pacquaio at Trillanes vs Duterte admin kinuwestyon ni Pastor Apollo

PINAGTATAKHAN ni Pastor Apollo Quiboloy ang magkasunod na expose ni Senator Manny Pacquiao at ang kilalang oposisyon na si dating senador na si Antonio Trillanes IV.

Ang tanong ng butihing Pastor nag-usap ba ang mga ito kaugnay ng kanilang patutsada laban sa administrasyon.

Sa isang kumalat na video sa social media ay ipinahayag ni Senator Pacquiao na mas lumala ang korupsiyon sa Duterte Administration.

Kabilang sa mga inakusahan ng senador na kurap na ahensya ang Department of Health (DOH), Department of Energy (DOE), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Matapos nito, ang dating senador na si Antonio Trillanes na kilalang oposisyon ay meron ding ginawang pasabog  laban kay Pangulong Duterte at Senator Bong Go.

Ayon dito ay may P6.6B na plunder si Pangulong Duterte at Senator Go noong ang dalawa ay pareho pang nanunungkulan sa Davao City.

Matapos ito ay hindi naman mapigilan ni Pastor Apollo na pagtakhan ang timing ng pagsisilabasan ng mga alegasyon ng dalawa laban sa administrasyon,

Ibinaling naman ni Pastor Apollo ang isyu ng korupsiyon kay Pacquiao matapos ibunyag ni Pangulong Duterte ang posibleng 2.2 B tax evasion case laban sa senador.

Dahil dito, muling iginiit ni Pastor Apollo na ang senador ang dapat unang ipasok sa kulungan na gusto nitong itayo para sa mga kurap.

Ayon kasi kay Pacquiao, sakaling magiging presidente ito ay magpapatayo ito ng mega prison para sa mga kurakot.

Totoo ba na itong Mer’s business na katulad ng KAPA ay sa ‘yo?

Maliban naman dito ay may itinanong pa ang butihing Pastor sa senador kung may kaugnayan ito sa Mer’s business na may kahintulad sa ipinasarang KAPA na isang investment scam.

“Totoo ba ito Mr. Manny Pacquiao o Senador Manny Pacquiao, totoo ba ito? Na merong MERS Business na sa church compound mo raw ang office at ito ay similar to KAPA na nagpra-promise ng 30% payout every month, sa investment sa pay in,” kuwestiyon ni Pastor Apollo.

Matatandaan na ang KAPA Founder na si Apolinario ay naaresto matapos mapatunayan na ang KAPA ay isang scam.

“Nagtatanong lang ako kung totoo ba itong MERS Business just like KAPA promising 30% of your pay-in and then every month pay-out is 30% ang tubo mo, mina-manage ng certain Pastor Reynaldo Kamingawan na sa iyong church compound diyan sa Dadiangas Heights sa General Santos City. Totoo ba ito o Hindi? Pakisagot lang,” ayon pa ng butihing Pastor.

BASAHIN: Transcript of Records ni Senator Pacquiao, hiniling na isapubliko ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

SMNI NEWS