TUMANGGAP ang 6 na indibidwal ng Php 15,000 livelihood grant sa ilalim ng Mag Negosyo Ta ‘Day (MTD) Program. Apat sa kanila ay mula sa Brgy. Sirao, Cebu City, habang dalawa naman ay mula sa Brgy. Tisa, Cebu City.
Ang awarding ay isinagawa noong November 25, 2024, sa pamamagitan ng OVP – Cebu, Bohol and Siquijor Satellite Office, kasabay ng isang thanksgiving activity sa Toledo City. Ang panimulang puhunan ay gagamitin ng mga benepisyaryo para sa kanilang mga negosyo tulad ng online selling, babuyan, at sari-sari store.
Ang MTD Program ay isang inisyatibo ng Office of the Vice President (OVP) na naglalayong bigyan ng oportunidad at suporta ang mga Pilipinong nagnanais magsimula ng sariling negosyo.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.