NIYANIG ng magnitude 4.6 na lindol ang General Luna, Surigao del Norte bago mag-alas diyes ng umaga ngayong Miyerkules.
Sa datos ng PhiVolcs, naitala ang sentro ng pagyanig sa layong limampu’t limang kilometro Timog-silangan ng bayan ng Luna.
May lalim ito na sampung kilometro kung saan tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks matapos ang pagtama ng lindol.