Maguindanao del Sur, nagkaroon ng diarrhea outbreak

Maguindanao del Sur, nagkaroon ng diarrhea outbreak

NASAWI ang tatlong residente kabilang na ang isang dalawamput apat na buwang gulang na bata ng Talayan, Maguindanao del Sur matapos nagkasakit ng diarrhea.

Dalawamput isang indibidwal naman ang isinugod sa ospital dahil dito.

Ayon sa Integrated Provincial Health Office-Maguindanao del Sur, nangolekta na sila ng sample ng inuming tubig sa Talayan dahil dito para isalang sa isang laboratory examination upang matukoy ang totoong sanhi ng diarrhea outbreak.

Nagsagawa na rin sila ng information campaign sa Talayan, Maguindanao del Sur upang maiwasan ng mga ito ang makainom ng kontaminadong tubig.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble