SA kopya ng Memorandum of Agreement ng Commission on Elections (COMELEC) sa Rappler nakadetalye ang mga impormasyon na ipagkakaloob ng poll body sa least trusted media entity.
Bukod pa ito sa pagiging fact checker ng Rappler sa lahat ng election related content sa bansa.
Kabilang dito ang pagbibigay ng statement of votes at certificate of canvass sa bawat probinsya ngayong eleksyon at sa mga nagdaang botohan.
Crucial dito ay ang pagbibigay ng COMELEC sa Rappler ng access sa untransmitted votes sa lahat ng municipal/city at national canvassing centers.
Bukod dito, may access din ang Rappler sa Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) at access sa impormasyon ng bawat kandidato.
Makukuha rin ng COMELEC ang access sa advertising contracts na pinasok ng bawat kandidato.
Nauna nang kinuwestyon ng National Press Club (NPC) ang kasunduan at iginiit na dapat mabuwag ang deal.
Napaso na rin ang binigay na March 4 deadline ng Office of the Solicitor General para ibasura ng COMELEC ang kanilang kasunduan sa Rappler.
‘Well yan nga ang pinangangambahan natin ano yang mga ganyang klaseng kasunduan na magkakaroon ng kahit anumang bahid ng pagdududa ang ating taumbayan sa pagiging credible at saka transparent ng ating parating na halalan,’ pahayag ni NPC President Paul Gutierrez.