NAKA-detain sa Krit, Greece ang mahigit 1,200 migrante na galing Libya sa nakalipas na tatlong araw.
Kasabay ito ng pag-uusap ng Greece at Libya tungkol sa krisis sa migrasyon at maritime boundary disputes.
Inaasahang bibisita sa Libya ang European Commissioner at mga kinatawan mula Greece, Italy, at Malta para sa mas mahigpit na border control.