Mahigit 1.5-K na benepisyaryo ng Parañaque, natanggap ang payout mula sa cash-for-work program

Mahigit 1.5-K na benepisyaryo ng Parañaque, natanggap ang payout mula sa cash-for-work program

NATANGGAP na ng 1,500 benepisyaryo sa Parañaque City ang kanilang salary payout mula sa cash-for-work program ng pamahalaan.

Nitong Setyembre 5 sa Valley 5 Covered Court, Brgy. San Antonio, isinagawa ang distribusyon.

Partikular na nagmula sa District I at District II ang mga benepisyaryo.

Tig-5,370 piso ang natanggap ng bawat benepisyaryo matapos ang 10 araw na paglilinis sa mga kanal, estero at daanan ng lungsod.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble