NASA 1,427 pulis ang kasalukuyang nakakalat sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong taon.
Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa pulong balitaan sa Kampo Krame.
Gagamitin ang mga ito para sa pagbabantay sa mga matataong lugar partikular na sa China Town sa Maynila.
Giit ng PNP, naka-monitor sila sa posibleng mga krimen na lumaganap sa gitna ng nasabing pagdiriwang.
Nakatakdang ipagdiwang ang Chinese New Year ngayong darating na Pebrero 10, 2024.