MAHIGIT isang daan (109) ang aspirants ang naghain ng kanilang Certificates of Candidacy (COC) para sa kauna-unahang Bangsamoro elections sa 2025.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), halos tig-aapat na kandidato ang naghain ng kanilang kandidatura bawat posisyon.
Ang filing ng COC ay nagsimula Nobyembre 4 at nagtapos ito noong Nobyembre 9, 2024.
Sa kauna-unahang BARMM elections, 73 ang elective positions.
40 mula sa naturang bilang ay regional political parties; 25 ang parliamentary districts; at walo ang sectoral organizations.