Mahigit 100K halaga ng ilegal na droga nasamsam sa Ifugao

Mahigit 100K halaga ng ilegal na droga nasamsam sa Ifugao

SA pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng Ifugao Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Cordillera Ifugao Provincial Office, nasabat ang ilegal na droga na tumitimbang ng humigit-kumulang 15.5 gramo na aabot sa P105,400 ang halaga.

Kasabay ng ginawang buy-bust operation, arestado rin ang isang suspek matapos niyang ibenta ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu sa isang undercover operative.

Ang nasabing suspek ay 31-taong-gulang na lalaki mula sa Parañaque City.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nahuling suspek.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble