Mahigit 15M pisong halaga ng ilegal na droga, nasamsam sa Zamboang City

Mahigit 15M pisong halaga ng ilegal na droga, nasamsam sa Zamboang City

NASA 2,300 gramo ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 9 (PDEA RO9) katuwang ang iba pang law enforcement agencies na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong high-value targets (HVT) sa isang buy-bust operation sa Nuñez Extension, Barangay Camino, Zamboanga City noong Pebrero 24, 2025, bandang 11:45 ng umaga.

Sa nasabing buy-bust, nakumpiska ang hinihinalang iligal na droga na nakalagay sa apatnapu’t pitong (47) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na may tinatayang 2,300 gramo ng hinihinalang shabu, na may halagang aabot sa Php 15,640,000 sa merkado.

Kabilang sa iba pang nakumpiskang ebidensya ang isang Watson paper bag, isang pouch na kulay asul na may disenyong payong, dalawang piraso ng calendar sheets, at isang Colgate box.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Aharayam Jaidi, 66 taong gulang, babae, may asawa, isang factory worker, at residente ng Barangay Patalon, Zamboanga City; Maeng Omar, 42 taong gulang, lalaki, may asawa, isang driver, at residente ng Barangay Labuan, Zamboanga City; at Nurhayna Sampang, 30 taong gulang, babae, walang asawa, isang factory worker, at residente rin ng Barangay Labuan, Zamboanga City.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble