Mahigit 20 govt officials na naipit sa Israel makakauwi na

Mahigit 20 govt officials na naipit sa Israel makakauwi na

MAKABABALIK na sa Pilipinas ngayong weekend ang 21 government officials na naipit sa tensiyon sa Israel.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), uuwi sila sa pamamagitan ng Jordan.

Ang mga naipit na opisyal ay binubuo ng siyam na mayor; apat na vice mayor; dalawang party-list representative; at dalawang regional directors.

May apat din na mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) ang kasama ng mga ito.

Samantala, sa hiwalay na anunsiyo, sinabi rin ng DFA na makakauwi na rin ang unang batch ng mga Pilipinong humiling ng repatriation ngayong weekend.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble