Mahigit 200 pamilya sa 2 brgy. sa Zamboanga City, nakatanggap ng tulong mula sa PH Air Force

Mahigit 200 pamilya sa 2 brgy. sa Zamboanga City, nakatanggap ng tulong mula sa PH Air Force

NAMAHAGI ang Tactical Operations Wing Western Mindanao (TOW WestMin) ng tulong sa 260 na pamilya na naapektuhan ng nagdaang Bagyong Paeng sa bansa.

Ilan sa mga ipinamahagi ng grupo ang assorted foods, vitamins at mga damit sa Cherry Drive, Tumaga at Brgy. Ayala Zamboanga City.

Nagsagawa rin ng feeding activity ang TOW WestMin sa mga residente ng barangay.

Ikinatuwa naman ni Philippine Air Force (PAF) Wing Commander, BGen. Dennis G. Estrella ang pakikibahagi ng kanilang hanay sa makabuluhang aktibidad na ito ngayong panahon na kailangan ng mga residente ng tulong ng pamahalaan.

Katuwang ng grupo ang PAF Civil Military Operations Group (PAFCMOG), Supreme Student Council Society of the Philippines Zamboanga City Chapter (SSCSP).

Naglaan din ng panahon na makibahagi ang WMSU UNESCO Club, Rotaract Metro, Jovenes Allianza de Zamboanga, WMSU Economics Society, WMSU Environmental Science Society, at mga guro ng College of Teachers Education ng WMSU.

Follow SMNI NEWS in Twitter