Mayo 1, 2025 – Sa pagdiriwang ng Labor Day, nagsagawa ng malawakang job fair ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa iba’t ibang malls at venues sa buong bansa, na nag-alok ng mahigit 216,000 job vacancies mula sa iba’t ibang industriya.
Ayon sa DOLE, tinatayang 181,933 na trabaho ang alok para sa lokal na employment, habang 34,211 naman ang bukas para sa mga overseas workers.
Kabilang sa mga pangunahing industriya na nagbukas ng hiring ay ang manufacturing, retail, business process outsourcing (BPO), accommodation and food service activities, at financial at insurance sectors.
Ilan sa mga kilalang kumpanya na lumahok sa job fair ay ang SM, Robinsons, San Miguel Foods, Aboitiz, Toyota, Honda, Accenture, Epson, at Banco de Oro (BDO).
Isinagawa ang job fair sa 70 lokasyon nationwide, na layuning makatulong sa mga Pilipino na makahanap ng trabaho at mapababa ang unemployment rate sa bansa.