Mahigit 200,000 trabaho, inaalok ng DOLE sa Nationwide Labor Day Job Fair

Mahigit 200,000 trabaho, inaalok ng DOLE sa Nationwide Labor Day Job Fair

MANILA, Philippines — Mahigit 216,000 job opportunities ang naghihintay sa mga naghahanap ng trabaho sa darating na Labor Day, Mayo 1, 2025, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Isasagawa ang nationwide Labor Day Job Fair sa humigit-kumulang 70 mall at event venues sa buong bansa, kung saan dadalo ang daan-daang kumpanya mula sa iba’t ibang industriya.

Ayon sa datos ng DOLE, nasa 216,144 job vacancies ang kabuuang bilang ng alok na trabaho. Sa mga ito, 181,933 ang para sa local employment, habang 34,211 naman ang overseas job opportunities.

Kabilang sa mga pangunahing industriya na nag-aalok ng trabaho ay ang:

Manufacturing

Retail

Business Process Outsourcing (BPO)

Accommodation and Food Service Activities

Financial and Insurance Services

Ilan sa mga kilalang kumpanya na kalahok sa job fair ay sina SM, Robinsons, San Miguel Foods, Aboitiz, Toyota, Honda, Accenture, Epson, at Banco de Oro (BDO).

Layunin ng job fair na matulungan ang mga Pilipino sa paghahanap ng trabaho at suportahan ang labor force sa pamamagitan ng direktang koneksyon sa mga employer.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble