ARESTADO ang tinaguriang high-value target ng Pasay City sa kasong paglabag sa RA 9165.
Kasunod ito ng ikinasang drug buy bust operations ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group at PDEA noong February 26, 2025.
Nadakip sa operasyon si alias “ethan” 42 anyos habang narekober rin sa kanya ang 300 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na Php2,040,000 at tinatayang 95 tablets ng ecstacy na may estimated Standard Drug Price of Php161,500 at iba pang non-drug evidence.
Agad na dinala ang suspek sa PNP DEG SOU NCR Office para sa kaukulang pagkakaso at eksaminasyon sa mga nakuhang ebidensiya.