HINDI tumitigil ang lokal na pamahalaan ng Sagada sa pangunguna ni Mayor Felicito Dula na humanap ng tulong para sa mga magsasaka ng kape na naapektuhan ng forest fire kamakailan.
Tinatayang mahigit sa 30 coffee farmers ang nawalan ng hanapbuhay, subalit wala pang eksaktong bilang ng mga punong nadamay sa forest fire.
Nakipag-ugnayan na ang LGU sa Department of Agriculture (DA) para sa pinansiyal na tulong at upang masuri ang mga coffee plants na maaari pang mailigtas at mapakinabangan.
Samantala, nauna nang nakatanggap ng P5-K ang bawat magsasakang naisumite sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ayon sa alkalde.