Mahigit 300M na kabataan sa mundo, nananatiling nasa kahirapan—UNICEF

Mahigit 300M na kabataan sa mundo, nananatiling nasa kahirapan—UNICEF

NANANATILING nasa kahirapan ang aabot sa 333 milyong kabataan sa mundo.

Matatagpuan ang pinakamalaking porsiyento sa Sub-Saharan Africa.

Batay ito sa datos na nakalap ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) at World Bank.

Itinuturong malaking factor sa pananatili ng mga ito sa kahirapan ay ang COVID-19 pandemic, climate change, mabilis na population growth, at iba pa.

Dahil dito, ipinanawagan ng UNICEF sa bawat bansa na bigyang prayoridad ang pagbibigay solusyon sa ‘child poverty’ at palawakin ang ‘universal child benefits programs’.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter