UMAKYAT na sa 40 pamilya sa Las Piñas City ang apektado ng malalakas na pag-ulan dala ng Bagyong Carina at hanging Habagat.
Sa tala ng local government unit (LGU), kasalukuyan nang nasa evacuation center ang mga apektado mula sa Manuyo Uno at Pulang Lupa Dos.
Ang nasabing bilang ng pamilya ay katumbas ng 158 indibidwal.
Patuloy ang koordinasyon ng LGU sa mga komunidad nito para tiyaking ligtas ang kanilang mga residente.
Una nang idineklara ang Metro Manila na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa malawak na pinsalang idinulot ng Bagyong Carina at hanging Habagat.