Mahigit 400 IPs sa Cagayan, nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan

Mahigit 400 IPs sa Cagayan, nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan

NAKATANGGAP ng tulong mula sa pamahalaan ang mahigit 400 indigenous people (IPs) sa Cagayan.

Aabot sa 450 IPs ang dumalo sa isinagawang 29th Agta Convention na ginanap sa Brgy. Cataratan, Allacapan, Cagayan nito lang Hulyo 12, 2023.

Layon ng nasabing aktibidad na protektahan, turuan, at mapalakas ang karapatan at kahalagahan ng mga IP, pinangunahan naman ng National Commission on Indigenous People (NCIP) ang naturang aktibidad.

Naniniwala kasi ang NCIP na ito ang epektibong paraan upang maipaabot sa komunidad ang mensaheng dapat malaman ng mga IP.

Kaugnay nito dumalo rin sa aktibidad ang tropa ng 17th Infantry Battalion upang magbigay ng seguridad at masiguro ang kaligtasan ng mga IP laban sa mga mapanlinlang na communist terrorist group (CTG).

Maliban sa mga nabanggit nakatanggap din ang mga dumalo na IP ng libreng medical at dental checkup.

Nagbigay rin ng tulong ang tropa ng Philippine Marines, PNP R02, DOLE, DTI, at NICA.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter