NAGSAGAWA ng biglaang drug testing ang mga awtoridad sa Zamboanga Peninsula sa mga driver ng pampasaherong sasakyan nitong Lunes, Abril 14, 2025.
Partikular na kasama rito ang mga driver ng van, jeepney at tricycle.
Sa naturang drug testing, 52 ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga mula sa kabuuang 1,569 na driver na sumailalim sa drug test sa ilalim ng programang Oplan Harabas.
Sa mga nagpositibo, 28 ay mula sa Zamboanga City; 20 ang mula sa Pagadian City, Zamboanga del Sur; at apat mula sa Zamboanga Sibugay.