MAHIGIT 50 (54) katao ang nasawi nang inatake ng paramilitary group sa bansang Sudan ang isang open market sa Omdurman City.
Nangyari ang pag-atake noong Sabado, Pebrero 1, 2025.
Maliban sa nasawi ay mahigit halos 160 (158) naman ang nasugatan.
Abril 2023 nang mag-umpisa ang kaguluhan na ito sa Sudan sa pagitan ng mga pinuno ng kanilang military at ng Rapid Support Forces.
Mula sa capital city na Khartoum ng naturang northeastern African country ay unti-unti na nga itong lumalawak sa ibang lugar.