MULA sa 1,100 milyong Pilipino, mahigit sa 80 milyon na ang rehistrado sa PhilSys.
Pinuri naman ni Philippine Statistics Authority Undersecretary Dennis Mapa, ang national statistician at civil registrar general, ang mga tauhan ng ahensiya dahil sa kanilang pagsisikap katuwang ang mga ahensiya ng pamahalaan.
Kasama rin sa pinasalamatan ni Mapa ang suporta ng publiko para sa naturang proyekto ng gobyerno kasabay ng panawagan sa mga hindi pa nakapagparehistro na magpatala na.
Sa ngayon ay tumatanggap ang PSA ng walk-in registration.
Nagpaalala rin si Mapa na maaari nang iparehistro ang mga batang may edad limang taong gulang pataas.
Nagpapatuloy na rin ang mobile registration sa tinatawag na geographically isolated and disadvantaged area (DIBA) para matiyak na makapagparehistro ang mga Pilipinong nakatira sa mga malalayo at liblib na lugar.