TINANGGAP sa trabaho ng Muntinlupa City ang aabot sa 83 mga magulang ng mga malnourished at with disabilities na kabataan sa kanilang lungsod.
Sa ilalim ito ng TUPAD program ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Pinili naman ang mga magulang sa pamamagitan ng rekomendasyon ng day care teachers kung saan nag-aaral ang kanilang mga anak.
Ang 83 mga magulang ay bibigyan ng 15 days emergency employment kung saan may sahod itong 570 pesos bawat araw.